| Title | : | It’s Showtime November 15, 2025 | Full Episode |
| Duration | : | 01:17:40 |
| Viewed | : | 81,894 |
| Published | : | 15-11-2025 |
| Source | : | Youtube |
Ramdam ang love, joy and hope sa paligid kung sa isa’t-isa tayo kumakapit. Kaya sabay-sabay tayong bumangon, Madlang People, sa anumang pagsubok ang pinagdadaanan ngayon! Lots of love, tawanan at pag-asa rin ang hatid ng “It’s Showtime” family sa madlang players ng “Laro Laro Pick” one Saturday. Sila ang mga school admin staff na masisipag, at mapagkakatiwalaan at maaasahan ng mga estudyante. Kinilala ng hosts si Jaysan, isang school admin staff, na inspirasyon daw si Vice Ganda para huwag matakot na ilabas ang totoong kulay. Kuwento ni Jaysan, nagpapasalamat siya dahil sa eskwelehan kung saan siya kabilang, ramdam niya ang respeto sa isang LGBT member na tulad niya. Ay, oh! Nakakapag-ribbon pa nga sa kanyang buhok na mahaba! Natuwa si Meme sa narinig at pinuri ang eskwelahan sa progresibo nitong pamamaraan . Ipinaliwanag naman ni Melanie ang tungkulin ng isang guidance counselor. Aniya, gusto niyang mawala ang stigma na dapat katakutan ng mga estudyante ang guidance office. Dahil ang totoo, mababait ang guidance counselors at nariyan sila para tumulong na hubugin nang tama ang mga kabataan. Napag-usapan din ang mga problemang pang-edukasyon tulad ng kakulangan ng classrooms. Minsan daw kasi ay nagpapatupad ng blended learning ang school para hindi mag-agawan at magsiksikan ang mga estudyante sa classrooms, kahit pa aminado ang mga guro na mas epektibo ang face-to-face classes. Minsan naman ay dalawang magkaibang level at section ay pinagsasama sa iisang silid-aralan. Hindi napigilan ni Meme ang mag-react at ‘manggigil.’ Eh, sino ba naman ang matutuwa sa ganitong problema? Napatanong na lang si Meme kung saan na ba patungo ang bansang ‘to. Kulang sa classrooms, kulang sa mga gamit sa ospital, problema dito, problema doon. Kailan ba tayo makakaahon? Ang “Laro Laro Pick,” sinisikap na maging instrumento ng pagbangon ng mga ordinaryong Pilipino, kahit paunti-unti, kahit paisa-isa. At heto na nga, ang magandang pagkakataon ay kay Joseph napunta! Kung ang eskwelahan niya ay nasa ‘bottom’ sa larangan ng basketball, dito naman sa “Laro Laro Pick,” siya ang nanguna sa game arena. Hindi napigil ni Joseph ang mga luha nang balikan ang mabigat na dagok na pinagdaanan ng pamilya noong panemya. Na-forced layoff na nga siya sa trabaho, nawala pa ang isang anak nang dahil sa kidney failure. Para maka-survive nang mga panahong ‘yon, rumaket siya bilang construction worker at kolektor ng pautang. Malayo ito sa pinangarap niyang trabaho bilang Biology major, pero sabi nga niya, bilang ama, papasukin niya ang lahat para makapag-povide sa pamilya. Pero kung ang trabaho ay magagawan ng paraan, tila hindi pa rin naghihilom ang sakit sa puso ni Joseph dahil sa pagkawala ng anak. Pinipilit na lang niyang tatagan ang loob para sa iba pang supling, at kay misis na isang OFW. Nang magsimula ang tawaran, sinunod ni Joseph ang mga anak niyang nasa studio. “Pot,” sigaw nila, tiwala na masasagot ng kanilang ama ang POT question na katumbas ng P250,000. Naging maingat at mapagbigay rin si Vice Ganda sa pagbabasa ng tanong, "Ano ang tawag sa sinaunang alpabeto ng mga Filipino na sa Tagalog ay nangangahulugang 'lupaing nasa gilid ng dagat' at nangangahulugan ring 'spelling' sa Ingles?” Binigyan pa ni Meme si Joseph ng clue, aniya, hindi ‘alibata’ ang tamang sagot. Maya-maya pa, nagsimula na ang limang segundo, at sumagot si Joseph, “Baybayin.” Agad inanunsyo ni Vice na nakuha ni Joseph ang P250,000 Pot money. Bumuhos ang emosyon ni Joseph pati na ng dalawang anak niya, na proud na proud sa kanya. Sabi ni bunso, alam niyang masasagot ni tatay ang tanong dahil ito ang pinakamatalinong tao na kanyang nakilala. Ang pangarap ni Joseph na bahay para sa pamilya, masisimulan na! At higit sa lahat, pinatunayan ng pagkakataong ito na anuman ang sitwasyon mo, pwede ‘yang magbago basta’t hindi ka susuko. Pagkatapos ng winning moment ni Joseph sa “Laro Laro Pick,” winning vocals naman ang bumida sa “TNT Duets 2” first weekly finals. Unang nagpakitang-gilas ang tandem nina Christian Labrado at Francheska Empino. Ang lakas ng feels, abot hanggang bituin, sa pagkanta nila ng “Saksi Ang Langit” by December Avenue. Noong Martes ay pinakilig tayo nina Thor Valiente at Pia Carandang sa kanilang chemistry on stage. At ngayong weekly finals, lahat ay tinamaan nang tuluyan as they performed Rachel Alejandro’s “Mr. Kupido.” #ItsShowtime #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment
![]() |
Showtime Online U | November 21, 2025 57:16 - 0 |
![]() |
It’s Showtime November 17, 2025 | Full Episode 15:51 - 0 |
![]() |
Ang Tanong | Epiosde 13: Jelai Andres, Zeinab H... 30:00 - 0 |
![]() |
Anjo Yllana, nagsisisi na sa kanyang mga pinags... 37:28 - 0 |
![]() |
'Kuantie' MELAI CANTIVEROS: Komedya Sa TV Pero ... 51:31 - 0 |
![]() |
It's Showtime: MEME VICE, NAKIPAGBARDAGULAN KAY... 59:46 - 0 |
![]() |
Vice, nalungkot sa kuwento ng pamilyang nakatir... 25:55 - 0 |
![]() |
Rainbow Rumble | Episode 41 (1/5) | November 15... 13:34 - 0 |


